Bautista, Ariston
Ariston Bautista (22 Pebrero 1863–3 Marso 1928) Isang iginagálang na doktor sa medisina, pilantropo, at pambihirang lingkod ng bayan, isinilang si Ariston Bautista (A·ris·tón Baw·tís·ta) noong 22 Pebrero.1863 sa Sta. Cruz, Maynila kina Mariano A. Bautista at Teresa Limpingco. Dahil mariwasa, matapos maging lisensiyado sa medisina ay nag-aral siyá sa España. Natanggap niya ang doctor…