Gobernadorsilyo
Gobernadorsílyo An gobernadorsílyo ang katumbas ngayon ng posisyon ng alkalde ng isang bayan o lungsod. Ito ang pinakamataas na katungkulang maaaring makamit ng isang Filipino noong panahon ng mga Español.Nagmumula ang gobernadorsilyo sa uring principalia at karaniwang isa siya sa mga nakaupong cabeza de barangay ng kaniyang bayan. Tungkulin ng gobernadorsilyo na magpatunay sa kapanganakan…