Molina, Antonio J.
Antonio J. Molina (26 Disyembre 1894–29 Enero 1980) Si Antonio J. Molina (An·tón·yo Mo·lí·na) ay isang kompositor, konduktor, violoncellist, guro, at istoryador ng musika. Kinilala siya bilang “Dekano ng mga Filipinong Kompositor.” Kasama nina Nicanor Abelardo at Francisco Santiago, si Molina ay bahagi ng triumvirate ng mga kompositor na nagtaguyod at naglinang ng musikang Filipino.…