Oliveros-Belardo, Luz
Luz Olivéros-Belárdo (3 Nobyembre 1906–12 Disyembre 1999) Si Luz Olivéros-Belárdo ang natatanging alagad ng pythochemistry sa Filipinas. Ang kaniyang mga pag-aaral hinggil sa kemikal na komposisyon ng mga katutubong halaman sa bansa ay nagbigay daan sa paglikha ng mga medisinang herbal, natural na pampalasa, pabango, pestisidyo, at panggatong na langis. Siyá ang tumuklas ng…