Labanang Look Maynila
Labanáng Loók Maynilà Ang Labanáng Loók Maynilà ay nangyari noong 1 Mayo 1898. Ang pangkat ng hukbong pandagat na pinamumunuan ni George Dewey ang nakasagupa’t nakalupig sa pangkat ng mga Español na pinamumunuan naman ni Admiral Patricio Montojo. Ito ang itinuturing na unang mahalagang sagupaan sa Filipinas sa panahon ng Digmaang Español-Americano. Alas-siyete ng gabi…