Juliano, Bienvenido O.
Bienvenido O. Juliano (15 Agosto 1936—) Kilalá si Bienvenido O. Juliano (Byén·ve·ní·do O Hul·yá·no) sa buong daigdig bilang nangungunang dalubhasa sa pag-aaral ng kalidad ng butil ng bigas. Ang kaniyang pag-aaral sa taglay na protina, gawgaw, at komposisyong kemikal ng bigas ay naging basehan sa pagpapaunlad ng produksiyon ng butil. Naglathala siyá ng mahigit 370…