Lungsod Baguio
Lungsód Baguio Ang tinaguriang “Summer Capital” ng Filipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Benguet. Ang Lungsód Baguio (Bág·yo) ay nása ibabaw ng isang talampas na may 1,520 metrong taas mula sa dagat at may pangkaraniwang temperaturang 18 sentigrado. Ang malamig na klima ng siyudad ang nagsisilbing pangunahing atraksiyon upang puntahan ito ng mga bakasyonistang Filipino…