Reyes, Gabriel M.
Gabriel M. Reyes (24 Marso 1892–10 Oktubre 1952) Ang unang arsobispong Filipino ng Simbahang Katoliko, ipinanganak si Gabriel M. Reyes(Gab·rí·yel Em Ré·yes) sa Kalibo, Aklan noong 24 Marso1892 kina Eulogio Reyes at Marcela Martelino. Pagkaraang mag-elementarya sa Kalibo, pumasok siyá sa seminaryo ng Jaro, Lungsod Iloilo. Naordenahan siyáng pari noong 27 Marso1915 at unang nadestino…