balak

poetry, literature, performance,

Ang balak ay isang salitâng Sebwano at tumutukoy sa anyong tula. Maiuugnay rin ito sa mismong kahulugan ng pagtula na isang plano o pagbabalak tungo sa paghahabi ng mga konsepto at idea. Pinakaubod ng balak ang tanghaga na katumbas ng talinghaga sa mga Tagalog. Nakapalaman sa matatandang balak ang pinagsasaluhang mga karanasan at kahulugan ng mga Sebwano.

Sa bahagi ng Leyte, Samar, at Bohol, ang balak ay isang tradisyonal na pagtatalong patula. Si Pangulong Carlos P. Garcia ay isang batikang mambabalak bago naging politiko. Sinasabing bahagi ng kaniyang popularidad sa mga botante ng Bohol ang kaniyang pagiging makata. (JDP)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Cite this article as: balak. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/balak/