Sentrong Pangkultura ng Filipinas
Séntrong Pangkultúra ng Filipínas Ang Séntrong Pangkultúra ng Filipínas o Cultural Center of the Philippines (CCP) ang pambansang sentro sa paglinang ng kultura at sining pagtatanghal sa Filipinas. Nilikha ito sa bisà ng Executive Order 30 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1966. Pormal na pinasinayaan ang CCP noong 10 Setyembre 1969 sa pamamagitan…