Yungib Tabon
Yungíb Tabón Ang Yungíb Tabón ay isang sistema ng mga kuweba at matatagpuan sa Lipuun Point sa bayan ng Quezon, sa kanlurang baybayin ng lalawigan ng Palawan. Dito natuklasan ang “Táong Tabón”—tawag sa nalabíng bungo at ilang bahagi ng itinuturing na pinakasinaunang tao sa kapuluang Filipinas. Ipinangalan ang mga yungib sa isang uri ng ibon…