Pangulo ng Filipinas
Pangúlo ng Filipínas Ang Pangúlo ng Filipínas ang pinunò ng estado at pinunò rin ng pamahalaan ng Republika ng Filipinas. Pinamumunuan niya ang sangay tagapagpaganap ng gobyerno, pinangangasiwaan ang iba’t ibang kagawaran sa pamamagitan ng kaniyang gabinete, at tumatayông pangkalahatang pinunò ng sandatahang lakas ng Filipinas. May kapangyarihan siyáng humirang at mag-alis ng mga kalihim…