Galura, Felix
Felix Galura (21 Pebrero 1866–21 Hulyo 1919) Si Felix Galura (Fé·liks Ga·lú·ra) ay isang kalahok sa Himagsikang Filipino at isang bantog na manunulat sa Pampanga. Isa siyá sa mga pinakamahusay na produkto ng panitikang Kapampangan. Kilalá siyá bilang isa sa mga pangunahing mandudula ng Gitnang Luzon at “Ama ng Balarilang Kapampangan.” Isinilang siyá noong 21…