Gaddanan

Si Gaddanan umano ang mandirigmang pinuno ng tribung Gaddang na nagtanggol sa kaniyang nasasakupan at siyang pinagmulan ng pangalan ng bayang Angadanan bilang pagkilala sa kaniyang kabayanihan. Ang Gaddáng ay pangkating etniko na matatagpuan sa pusod ng Cagayan Valley at Silangang bahagi ng Cordillera. Sa sinaunang panahon, umakyat umano ang tribung Gaddang sa mga bulubundukin sa hilaga sa pamamagitan ng pamamaybay sa bunganga ng Ilog Cagayan. Marunong na umano silá ng pagkakaingin, subalit ang engkuwentro nilá sa mga Ifugaw ang nagturo sa kanila ng pagtatanim sa mga payaw.

May barangay rin sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Isabela na matatagpuan din sa Cagayan Valley. (ECS)

 

Cite this article as: Gaddanan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/gaddanan/