tuna
tuna Ang isdang túna ay kabilang sa pamilya Scombridae. Matatagpuan sa tropiko at sub-tropikong karagatan. May mga naninirahan sa baybay at may iba namang nása malalalim na bahagi ng dagat. Matuling lumangoy at kilalá ang tuna na naglalakbay sa malalayòng karagatan. Maraming espesye ng tuna at isa sa mga ito na matatagpuan sa Filipinas ay…