Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Lawàng Maínit

lakes, water, Mindanao

Ang Lawàng Maínit ang ikaapat na pinakamalaking lawa sa Filipinas sa lawak na 173.40 kilometro ku-wadrado. Ito rin ang pinakamalalim na lawa sa lalim na 223 m. Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng Agusan del Norte at Surigao del Norte sa hilagang-silangang bahagi ng Mindanao. May isang labasan ng tubig, ang Ilog Calinawan, na umaagos patimog upang maging Ilog Tubay na siyá namang bumubuhos sa Look Butuan. Tuwing Setyembre hanggang Pebrero, humihimpil sa lawa ang mga migratoryong ibon mula Japan at Siberya.

Pinagkukuhanan ang lawà ng maiinom na tubig at irigasyon para sa mga taniman ng palay, mais, niyog, kamote, cassava, at saging sa apat na karatig na bayan, ang Mainit at Alegria sa Surigao del Norte, at ang Jabonga at Kitcharao sa Agusan del Norte. Nakaasa ang kabuhayan ng maraming mangingisda sa mga lamantubig ng lawa. Marami sa mga tagalawa ang nabubuhay bilang man-gangahoy at minero. Pinangangasiwaan ng Lake Mainit Development Alliance (LMDA) ang kaayusan ng lawa at mga likás na yaman nitó. (PKJ)

Cite this article as: Lawàng Maínit. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/lawang-mainit/