Dambanang Aguinaldo
Dambanàng Aguinaldo Isa sa mga pambansang dambana ng Filipinas, ang Dambanàng Aguinaldo (A·gi·nál·do) na matatagpuan sa Kawit, Cavite at pook na pinangyarihan ng pagpapahayag ng kalayaan noong 12 Hunyo 1898 sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dito nasaksihan ang unang opisyal na pagwagayway ng bandila ng Filipinas na tinahi sa Hong Kong ni Marcela Agoncillo…