manggatsapúy

Flora, plants, trees, Galleon Trade, bullding materials, crafts

Ang manggatsapúy (Hopea acuminata) ay isang punong-kahoy na kilalá­ rin sa tawag na “dalingdingan” at “mang-gasinoro.” Sa Filipinas lamang matatagpuan ang kahoy na ito. Ayon sa mga datos ngayon, lubhang nanganganib na maubos na ang mga species nitó.

Ang katawan ng punongkahoy ito ay nangungulubot at tuklapin. Maitim ang balát ng manggatsapuy ngunit madilaw o maputî naman ang loob ng kahoy kung tatanggalin ang balát. Ang mga dahon ng punoòg ito ay manipis,­ makintab, at hugis biluhaba na may patulis na dulo. Magkakapares na tumutubò ang mga dahon sa magk-abilang maliit na sanga.

Ang trosong nakukuha sa kahoy na ito ay matigas ngunit magaan. Tuwid ang mga haspe o grains nitó. Kadalasang ginagamit ang kahoy nitó sa paggawa ng mga pinto, sahig, tulay, at barko. Sa katunayan, ang kahoy ng manggatsapuy ang ginamit sa paggawa ng mga barko na ginamit sa Kalakalang Galeon noong panahon ng mga Español. (ACAL)

 

Cite this article as: manggatsapúy. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/manggatsapuy/