De Jesus, Jose Corazon
Jose Corazon de Jesus (22 Nobyembre 1894–26 Mayo 1932) Si Jose Corazon de Jesus (Ho·sé Ko·ra·zón de He·sús) ay itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Americano. Pinakapopular niyang sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang kolum na may titulong Buhay Maynila. Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na…