Rosario De Guzman Lingat
(24 Pebrero 1924–5 Enero 1997)
Si Rosario De Guzman Lingat (Ro·sár·yo de Guz·mán Lí·ngat) ay isang mahusay na nobelista, kuwentista, at manunulat sa komiks at telebisyon. Anak nina Constancia at Vicente Teodoro de Guzman, isinilang si Lingat sa Ricafort, Tondo noong 24 Pe- brero 1924. Sikat na direktor at aktor ng sarsuwela noong deka- da 20 ang ama ni Lingat na nagturo umano sa kani-yang magmahal sa mga salita.
Nag-aral si Lingat sa Tondo Intermediate School, na nakilala paglaon bilang Isabelo de los Reyes Elementary School, at nakilala ng mga guro ang husay niya bilang mag-aaral. Bagaman hindi nakapagtapos ng mataas na paaralan, nahikayat siyá sa pagbabasa na paglaon ay nag-tulak sa kaniya sa pagsusulat.
Nagpalimbag si Lingat ng mga kuwento at nobelang prosa at komiks sa Liwayway, Aliwan, Tagumpay, Pilipino Komiks, at iba pang magasin. Napanood naman sa mga programang pantelebisyon na Balintataw at Lights, Camera, Action ang kaniyang mga kuwento. Nakapagsulat siyá ng humigit-kumulang 200 kuwento at hindi bababâ sa 30 nobela noong dekada 60 at 70. Muling inilathala ng Ateneo de Manila University Press ang mga nobela niyang Kung Wala na ang Tag-araw at Ano Ngayon, Ricky? noong 1997, at ang Ang Balabal ng Diyos at Ang Silid na Makasalanan noong 2003. Tinipon naman ang ilan sa kaniyang mga kuwento sa dalawang magkahiwalay na koleksiyon, ang Si Juan: Beterano at Iba Pang Kuwento noong 1996, at Sa Bukang-liwayway ng Isang Kalayaan at Iba Pang Kuwento noong 2003.
Tumigil si Lingat sa pagsusulat noong 1979 sa hindi malamang dahilan, at pagkalipas ng halos dalawang dekada, nabalitaan ang pagpanaw niya noong 5 Enero1997. (ECS)