Orosa-Goquinco, Leonor Luna
Leonor Luna Orosa-Goquinco (24 Hulyo 1917–15 Hulyo 2005) National Artist for Dance Isang baylerina, koreograpo, at manunulat si Leonor Luna Orosa-Goquinco (Le·o·nór Lú·na O·ró·sa-Go·kíng·ko). Kinilala sa pagdudulot niya ng pagbabago sa katutubong sayaw—ang pagsasáma-sáma ng samotsaring anyo at elemento ng sayaw sa iisang malikhaing pagtatanghal. Pinaikli, pinabilis, at pinag-ibayo niya ang mga katutubong sayaw…