Velasquez, Gregorio T.
Gregorio T. Velasquez (2 Setyembre 1901–29 Hulyo 1989) Si Gregorio Velasquez (Gre·gór·yo Ve·lás·kez) ang tinaguriang “Ama ng Pag-aaral ng Phycology sa Filipinas.” Siya ang kauna-unahang dalubhasang Filipino na nagsagawa ng komprehensibong pananaliksik sa katangian at gamit ng katutubong Myxophyceae. Nilinaw niya na ang lumot ay maaaring gamiting abono sa mga sakahan at makatutulong nang malaki…