ágnos
ágnos Ang ágnos ay palawit sa kuwintas na may nilalamáng banal na relikaryo o alaalang mula sa isang tagpo o bagay na nabanggit sa Bibliya. Nagiging mamahálin ang kuwintas dahil sa relikaryong nilalamán ng palawit, bukod pa sa paniniwalang inangkat ito mula sa Jerusalem at benditado sa Roma. Itinuturing na isang mahalagang hiyas ang…