Canon, Fernando
Fernando Canon (8 Agosto 1860−18 Hulyo 1938) Isang ilustradong may iba’t ibang talino, si Fernando Canon (Fer·nán·do Ká·non) ay isang manunulat, musiko, imbentor, at naging heneral ng hukbo sa Nueva Vizcaya sa ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Isinilang siyá noong 8 Agosto 1860 kina Fernando Canon at Blasa Aluma. Isa ring imbentor ang kaniyang ama.…