Camp John Hay

Ang Camp John Hay (Kamp Jan Hey) ay isang 690-ektaryang kampo sa Lungsod Baguio sa kabundukang Cordillera. Itinayô ito ng mga Americano noong 1903 bilang pahingahan at pook-libangan ng kanilang mga sundalo at empleado. Sa kasalukuyan, popular ang kampo sa mga turistang gustong maranasan ang  malamigna klima at mga punòng pino ng tinaguriang “Summer Capital” ng bansa; matatagpuan dito ang isang golf course at ilang pamilihan, kainan, bulwagang-pulungan, hardin, at hotel.

Itinatag ni fteodore Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos, ang John Hay Air Station (o John Hay Air Base) bi- lang military reservation ng Estados Unidos. Ipinangalan ito sa kaniyang Kalihim ng Estado, si John Milton Hay. Kabilang sa mga itinayông gusali ang tahanan ng Gober- nador-Heneral ng Filipinas para sa tag-init, na kilalá ngayon bilang fte American Residence, ang tirahan ng embahador ng Estados Unidos sa Filipinas.

Binomba ng mga Japanese ang kampo sa pagbubukás ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ginamit din nilá ito bi- lang piitan ng mga sundalo at sibilyan; ginamit naman ni Heneral Tomoyuki Yamashita ang American Residence bilang headquarters at opisyal ng tirahan. Pinalaya ng mga Filipino at Americano ang kampo noong 1945, at sumuko si Yamashita kay Heneral Jonathan Wainwright sa American Residence.

Sa pagwawakas ng RP-US Bases Agreement, isinuko ng Estados Unidos ang kampo sa pamahalaan ng Filipinas noong 1991. Nauna itong pinangasiwaan ng Philippine Tourism Authority bago ibinigay sa Bases Conversion Development Authority (BCDA). Sa kasalukyan, pinatatakbo ang kampo ng isang pribadong kompanya sa pahintulot ng BCDA, ngunit nananatili sa kamay ng pamahalaan ng Filipinas ang ilang bahagi ng lupain. (PKJ)

 

Cite this article as: Camp John Hay. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/camp-john-hay/

Related Articles