Jose T. Joya

(3 Hunyo 1931–11 Mayo 1995)

Kinilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal (postumo) si Jose T. Joya (Ho·séTiHó·ya) noong 2003. Isasiyang modernistang pintor na nanguna sa abstrak na genre ng pagpipinta sa bansa.

Inihudyat ang pagsabak ni Joya sa abstraksiyon ng mga lahok niyang  Something at Composition in Red sa pagtatanghal ng Labing-isang Modernista noong Disyembre 1953 sa Philippine Art Gallery ni Lydia Arguilla na tinawag na “First Exhibition of Non-Objective Art in Tagala.” Hanggahan ito ng isang yugto sa transpormasyon ng sining ni Joya mula sa nakamulatang konserbatismong  pang-akademya  tungong modernismo.

Si Joya at ang eskultor na si Napoleon Abueva ang kumatawan sa Filipinas sa prestihiyosong XXXII Venice Biennale. May tinipong siyam na likha si Joya para sa okasyon kabilang na ang Granadean Arabesque, Fishpond Reflection, Quiapo Nazarene Festival, Venetian Daybreak, Hills of Nikko, Episode in Stockholm at Primitive Rituals. Mula 1962 hanggang 1965, si Joya ay naging Pangulo ng Art Association of the Philippines (AAP). Itinalaga siyang dekano ng Kolehiyo ng Fine Arts ng UP noong 1970–1978. Tu- manggap siya ng mga gantimpala sa mga kompetisyon   ng AAP (1951,1952,1958,1959,1960,at1962); Ten Outstanding Young Men (TOYM) award (1962); Republic Cultural Heritage Award (1962); Gawad Patnubay ng Sining at Kalinangan mula sa Lungsod Maynila (1971); unang gantimpala para sa Gossips sa Shell National Students Art Competition (1952); ASEAN Cultural Award (1970); at Gawad CCP para sa Sining (1991).

Isinilang siya noong 3 Hunyo 1931 sa Maynila kina Jose Joya, Sr. at Asuncion Tanig. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Fine Arts noong 1953 sa Unibersidad ng Pilipinas bilang kauna-unahang magnacumlaude nito. Noong 1954–1955, nakatanggap siya ng grant para mag-aral ng pagpip- inta sa Madrid mula sa InstitutodeCulturaHispanicang gobyerno ng España. Sinundan pa ito ng ibang grant sa Estados Unidos. Nagkaroon ng impluwensiya sa kaniya ang mga biyaheng ito para sa kaniyang sining. Dito niya nasagap ang inspirasyon ng ekspresyonismong abstrak o action painting ni Jackson Pollock at ng New York School. Namatay siya noong 11 Mayo 1995. (RVR)

Cite this article as: Joya, Jose T.. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/joya-jose-t/