G. I.
Orihinal na tumutukoy ang salitang G.I. at binibigkas paraang Ingles na “gyi ay” sa mga galvanized iron o yerong ginagamit na pambubong sa mga estrukturang madaliang itinatayô ng pangkating militar sa Estados Unidos. Sa mga panahon ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging inisyals ito para sa Government Issue, na nakatataksa mga kagamitan ng mga sundalong Americano. Ang ibig sabihin, “mula sa pamahalaan” o “pag-aari ng gobyerno” ang naturang kagamitan ng mga sundalo. Sa paglaon, ito ang naging bansag mismo sa mga sundalong Americano.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tinawag na“G.I. Joe” ang mga Americano na sundalo at ginamitnamang pamagat ito sa isang istoryang de-serye sa komiks na nagtatanghal sa pangkat ng mga sundalong Americano na may kahanga-hangang tapang at naglilingkod para sa kapayapaan ng mundo. Sa ngayon, may bumabaybay sa G.I. na wala nang tuldok “GI.” Ginagamit din itong bansag sa ibang bagay. Isang popular na G.I. ang inisyals para sa “Genuine Ilocano” na may mapagbirong pagtukoy sa katangiang “lubhang matipid” ng mga Ilokano. (MJCT)