Lawàng Tikúb

lakes, water, biodiversity, Quezon

Ang Lawàng Tikúb (o Tikob) ay isang lawa sa Baran-gay Ayusan, bayan ng Tiaong, lalawigan ng Quezon sa timog Luzon. Pabilog ang hugis nitó at may habàng 0.82 km, lapad na 0.73 km, at lawak na 120 ektarya. May lalim itong 75 metro at may elebasyong 97 metro.

Matatagpuan ang lawa malapit sa Bundok Malepunyo at Bundok Banahaw. Sa katunayan, isa itong bunganga ng maliit na bulkan, at kasama ang “Pitong Lawa” ng karatig na bayan ng San Pablo, Laguna sa tinatawag na ”South-western Luzon volcanic field.” Pinalilibutan ang lawa ng kagubatan, at pinamamahayan ng mayamang ekosistema ng ilang uri ng ibon, bayawak, unggoy, at iba pa. (PKJ)

 

Cite this article as: Lawàng Tikúb. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/lawang-tikub/