Ílog Ábulug
Geology, river, water, Luzon, Abulug River
Ang Ílog Abulúg o Abulog ang isa sa pinakamalaking ilog sa Filipinas kung pagbabatayan ang laki ng watershed. Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng Kalinga, Apayao, at Cagayan sa Hilagang Luzon. May habà itong 175 km. Nagsisimula ito sa mga bundok ng Kalinga at magsasalu-bong sa Ilog Apayao malapit sa bayan ng Kabugao bago umagos pahilagang-silangan at bumuhos sa Karagatang Pasipiko sa bayan ang Abulug, lalawigan ng Cagayan. Ang pinagsámang drainage area ng Abulug at Apayao ay 444,500 ektarya.
Matatagpuan sa mga pampang ng Abulug ang matatanda at malalaking punongkahoy, pati ang ilang talon. Tulad ng ibang ilog sa rehiyon, may potensiyal ang Abulug na humatak ng mga turista at abenturero dahil sa whitewa-ter rafting. Sa mga pampang ng Abulug itinayô ng mga Español ang mga unang misyon sa Apayao, ang Nuestra Senora de Rosario de Fotol (1610), San Lorenzo de Capi-natan (1619), at San Cecilia de los Mandayas (1623). Hindi nagtagumpay ang mga pamayanang ito at tuluyang inabandona ng mga Español. (PKJ)