Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

rambután

Ang rambután ay isang uri ng punongkahoy mula sa pamilyang Sap-indaceae at kilalá sa siy-entipikong pangalan na Nephelium lappaceum. Ito ay may taas na 15-25 metro at ang katawan may 60 sentimetro anglaki. Ang mga dahon nitó ay pasalit-salit at may habàng 7-30 sentimetro. Ang punongkahoy ito ay nagbubunga ng prutas na ang balát ay mabalahibo at malabilog ang hugis. Maraming varayti ang rambutan na nagbubunga ng iba’t ibang kulay ng prutas. May dilaw, may berdeng murà, may pula, at may mat-ingkad na pulá. Ang pangalan nitó ay mula sa salitâng Malay na “rambut” na nangangahulugang “buhok,” kayâ ang “rambutan” ay “mabuhok” ang ibig sabihin.

Ayon sa nakatalâng kasaysayan, ang rambután ay gáling sa Malaysia at karaniwang matatagpuan sa timog-kanlurang Asia. Ito ay unang nakarating sa Filipinas noong 1912 mula sa bansang Indonesia. Ang popularidad nitó ay yumabong na naging dahilan upang magkaroon ng maraming plantasyon ng rambutan sa bansa. Sa mga probinsiyang Batangas, Cavite, Davao, Iloilo, Laguna, Oriental Mindoro, at Zamboanga kalimitang matatagpuan ang mga plantasyon ng rambutan. Ang mga punla nitó ay inaangkat ng Estados Unidos mula sa Java simula pa noong 1906.

Ang bunga ng rambutan kapag hinog na ay kinakain nang sariwa, ginagamit sa paggawa ng mga jam o minatamis, o maaaring imbaking de-lata. Napakagandang tingnan ang mga puno ng rambutan hitik na hitik sa bunga. Ang mga puno ay mabuting nakatanim nang malalim sa mga lupang mataas ang bagay organiko. Maaaring gumamit ng teknolohiyang paugat o pagduduksong ng sanga sa propagasyon ng rambutan. Ang mga halamang mula sa paugat ay nagbubunga agad sa loob ng 2-3 taón matapos itanim at mayroong 8-10 taón ng pamumunga. Ang mga punó ng rambutan na gáling sa buto ay nagbubunga 5-6 na taón pagkatapos itanim. (SSC)

 

 

Cite this article as: rambután. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/rambutan/