dónya aurora
Philippine Flora, plants, ornamental plants
Ang dónya aurora (aw·ró·ra) (Mussaenda philippica ‘Aurorae’) ay isang palumpong sa pamilya Rubiaceae at popular na hala-mang pampaganda. Tumataas ito ng 10 talampakan, tumutubò sa maaraw na pook, at nangan-gailangan ng regular na dilig. May malaki itong bulaklak na binubuo ng nakalukong na mali-it at limang-talulot na corolla na kulay madilaw-dilaw at limang malalaki at putting sepal.
Ang dónya auróra ay ang una sa mga haybrid na katutubo sa Filipinas at ipinangalan sa mga Unang Ginang. Ipinangalan ito kay Unang Ginang Aurora
Quezon. Isa pang popular at may pink na bulaklak ay ang dónya luz na ipinangalan naman kay Unang Gi-nang Luz Magsaysay. Ang uring pula ay kinabibilangan ng donya eva, donya trining, at lakambini, at florida; ang uring puti ay mutya, donya aurora, diwata, at ma-ria makiling; at ang uring may iba’t ibang kulay ay ang baby aurora, donya pacencia, queen sirikit, at donya esperanze. Pinalalago ngayon ang mga ito bilang hala-mang ornamental sa mga parke. (VSA)