balítaw
tradition, customs, romance, Cebu, dances, songs, poetry, music, performance
Ang balítaw ay isang tradisyong Sebwano. Ito ay kombi-nasyon ng awit, sayaw, at debate ng lalaki at babae. Isang tagisan ito ng husay sa musika at katwiran. Ang debate ay karaniwang umiikot sa paksang pag-ibig.
Ang sayaw ay karaniwang nagsasadula ng pag-aalay ng lalaki ng bulaklak sa napupusuang babae. Ang pagtanggap ng bulaklak ay tanda ng pagsang-ayon ng babae sa iniaalay na pag-ibig sa kaniya.
Sinasabing nagmu-la pa sa sinaunang tradisyon ang bali-taw, bago pa man dumating ang Espa-ñol sa kapuluan. Ito ay ginaganap tuwing may kasayahan at iba pang mga pagdiri-wang. Sa pagdaraos ngayon ng balitaw, karaniwang sinasali-wan ito ng gitara o arpa. Lalaki ang tu-mutugtog ng gitara hábang idinaraos ito.
Ang balitaw ay isinusulat sa tunugang mayor at menor. Ang balitaw sa tunugang mayor ay karaniwang nása estruktura at katangiang Europeo. Sa tunugang menor na-man, ito ay umampon ng ritmong Español na tinatawag na bolero.
Ang balitaw ay tumutukoy rin sa isang uri ng estruktura ng likhang musika ng Tagalog. Isinusulat ito sa batayang kompás na 3/4. Ginagamit din ito bilang indikasyon ng bilis sa mga likhang musika ng mga klasikong komposi-tor. Halimbawa, ang “Arimunding-munding” nina C. Reyes at J. Benasa, at ang “Bakya Mo Neneng” nina Levi Celerio at S. Suarez ay nása tiyempong balitaw. Samanta-la, ang “Dalagang Filipina” nina J. Santos at Jose Corazon de Jesus at “Larawan” ni Francisco Buencamino ay nása pormang balitaw.
Narito ang isang halimbawa ng balitaw mula sa rehiyong
Tagalog:
Inday, Inday sa balitaw Neneng, Neneng sa balitaw
Batang nabalian, Kahoy nakahapay,
Kahoy na sariwa, Sandok nakasuksok,
Saging na nilaga, Siyansing nabaluktot,
Kinuha sa lungga, Palayok nakataob,
‘Binabad sa suka, Sinigang na matabang,
Gamot sa sikmura. Kulang sa sampalok. (RCN)