dapò

Philippine Flora, ornamental plants, plants

 

 

Ang dapò ay isang uri ng hala-man na kabilang sa pamilya ng Polypodiaceae at may botanikong pangalan na As-plenium nidus. Ito ay may mapusyaw na berdeng kulay at may pahabâng dahon. Ang mga dahon ay tumu-

 

tubòng paikot mula sa gitna ng halaman. Bukod sa pan-galang dapo tinatawag din itong “pakpák láwin” ng ibang Filipino. Ito ay karaniwang tumutubò kahit nakasabit lá-mang sa ilalim ng mga punongkahoy o malalaking bato. Ginagamit ito bilang halamang ornamental para sa land-scaping. Inilalagay ito sa loob ng mga gusali o establisimy-ento bilang halamang dekorasyon. Ang maliliit na klase naman nitó ay ginagawang halamang nakasabit.

 

Ipinantatawag din ang dapò katumbas ng “orkídya” (mula sa Español na orquidea). Maraming katutubong uri nitó sa ating kagubatan, at pinakapopular ang “sanggúmay” at “wáling-wáling.” Kinagigiliwang itanim ang mga uring ito dahil sa iba’t ibang kulay at hugis ng bulaklak. May malal-aking taniman ng dapò sa iba’t ibang pook ng bansa, baga-man bantog ang mga orchid farm sa Davao, at nagbebenta ng mga bulaklak para sa iba’t ibang pangangailangan ng mga lungsod. (SAO) (ed VSA)

Cite this article as: dapò. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/dapo/

Related Articles