Binatbatang Bakal ng Butuan

Ang Binatbatáng Bákal ng Butúan o Butuan Paleograph ay tumutukoy sa isang pir- aso ng parihabâng metal na may ibinatbat o iniukit na sinaunang mga titik ng pagsulat. Ang nasabing metal ay may tinatáyang edad na mula ika-12 hanggang ika-15 siglo at naglalamán ng 22 simbolo na inukit gamit ang matulis na bagay. Nahukay ito noong kalagitnaan ng 1970 sa Butuan, lalawigan ng Agusan.

Hindi pa naisasalin ang kahulugan ng inskrip- siyon dahil hindi ito katulad ng mga sinau- nang baybayin sa Filipinas. Ayon sa paleogra- pher na si S.S. Boechari ng Indonesia, maaar- ing nag-ugat ito sa sistema ng panulat sa Java. Isa itong patunay sa kasanayan ng katutubong mga Filipino sa pagsusulat at pakikipag-ug-nayan sa ibang mga kabihasnan sa ibayong dagat. (JM) (VSA)

Cite this article as: Binatbatang Bakal ng Butuan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/binatbatang-bakal-ng-butuan/

Related Articles