Anák Dálitâ

National Artist, film, cinema, Lamberto Avellana, Philippine Cinema

 

 

Idinirihe ng Pam-bansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula Lamberto Avellana ang peli-kulang Anák Dálitâ (1956). Hinggil ito sa paghihirap at pagsisi-kap ng isang beterano ng digmaan sa Korea sa loob ng pama-yanang umusbong sa guho ng Intramuros. Nasangkot siyá sa trabahong ilegal at sa pag-ibig ng isang mang-aaliw sa night-club. Ginampanan nina Tony Santos Sr. at Rosa Rosal ang mga pangunahing tauhan ng kuwento. Ginawaran ang pelikula ng Gantimpalang Gintong Ani para sa pinaka-mahusay na pelikula ng 1956 Asian Film Festival at nagl-unsad sa katanyagan ng pelikulang Filipino sa mga inter-nasyonal na timpalak at festival.

 

Bunga ito ng pagnanais ng ikalawang henerasyong pro-dyuser na si Manuel de Leon ng LVN Pictures na gumawa ng pelikulang mailalaban sa pamantayang internasyonal hindi man kumita, binigyan ng laya ang direktor sa pa-glikha. Sa ganitong sistema din nabigyan ng pagkakataón ang tambalan ng dáting kontrabidang si Rosa Rosal at ng dáting tagasuportang aktor lámang na si Tony Santos Sr.

 

Kinikilála ng mga iskolar ang Anák Dálitâ bílang mahala-gang pelikula ng Unang Gintong Panahon ng Sineng Fili-pino. Neo-Realismo ang estilo ng pelikula at naitampok na tagpuan ang sinematikong arkitektura ng mga pook ng karukhaan. Naihahambing ng mga iskolar ang ganitong padron sa ibang mahahalagang direktor sa Filipinas ng mga sumunod pang mga dekada, gaya ni Lino Brocka ng mga dekadang 1970 hanggang 1980 at ni Brillante Mendoza sa kasalukuyan. (GCA)

Cite this article as: Anák Dálitâ. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/anak-dalita/

Related Articles