Del Pilar, Pio
Pio del Pilar (11 Hulyo 1865–21 Hunyo 1931) Si Pio del Pilar (Pí·yo del Pi·lár) ay isang heneral ng Himagsikang Filipino. Nagtatag siyá ng sariling balangay ng Katipunan na tinawag na “Matagumpay.” Lumikha siyá ng sariling watawat pandigma para sa kaniyang pangkat—isang puláng bandila na may puting tatsulok sa kaliwang gilid at may titik K…