Lóok Maynilà
Lóok Maynilà Tags: geology, water, Manila Bay Maganda at kilalang look na nakaharap sa kanluran ng Lungsod Maynila ang Lóok Maynilà. Isa ito sa mga kinikilalang natural na kanlungan ng mga sasakyang-dagat sa Timog-silangang Asia. Bahagi ito ng Dagat Hilagang Filipinas at halos naliligid ng mga baybaying pook sa Cavite, Kalakhang Maynila, Bulacan, at Bataan…