Tagaytáy
Tagaytáy Ang Tagaytáy ay isang lungsod sa lalawigan ng Cavite na itinuturing na ”Ikalawang Summer Capital” ng Filipinas pagkatapos ng Baguio. Tanyag ito sa mga turista dahil sa malamig na klima at magagandang tanawin samantalang hindi kalalayuan sa Kamaynilaan (34 km lámang ang layo nitó mula sa Maynila). Tanaw mula sa Tagaytay ang Lawàng Taal.…