dalling-dalling
dalling-dalling Isang bantog na sayaw Tausug ang dalling-dalling. Ginagamitan ito ng mga ikinukunday na abaniko o panyo na iniipit sa ikalawa at ikatlong daliri. Nakasuot ng katutubong kasuotang Joloano ang mananayaw. Isang manganganta ang karaniwang sumasaliw sa pagsayaw at inilalarawan ang mga kilos ng mananayaw. Ang awit na ginagamit sa pagsaliw ay tinatawag na “sangbay”…