Museong Pasig
Muséong Pásig Ang Muséong Pásig ay matatagpuan sa Plaza Rizal ng Barangay San Jose sa Lungsod Pasig. Nauna itong nakilala bilang Concepcion Mansion na ipinatayô noong 1937 ni Don Fortunato Concepcion, isang negosyante at dating alkalde ng Pasig mula 1918 hanggang 1921. Idinisenyo ang mansiyon ng arkitektong si Felizardo Dimanlig. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginamit…