úpo
úpo Ang úpo (Lagenaria siceraria) ay isang magaspang na baging na humahabà nang ilang metro. Ang dahon ay may 5 lihà o anggulo, may lapad na sampu hanggang 40 sentimetro, at mabuhok. Ang bulaklak ay putî, malaki, at hiwa-hiwalay. Ang bunga ay lungti, karaniwang hugis pamalo, at humahabà hanggang 80 sentimetro. Sa kasaysayan ng agrikultura,…