dámahuwána
dámahuwána Ang dámahuwána, mula sa Español na dama juana, ay isang malaking sisidlan ng likido. Sa España, maaari itong yari sa bote o losa; ngunit sa Filipnas higit itong kilalá bilang malaking sisidlang bote. Matabâ at pabilog ang katawan nitó at maikli ang leeg. Kung minsan, may tila tainga itong mga hawakan…