Poblasyon
Poblasyón Ang poblasyón (mula sa Español na poblacion) ay pook na sentrong pampolitika at pangkabuhayan ng isang bayan. Tinatawag din itong “kabayanan” o downtown sa Ingles. Sa kasaysayan ng Filipinas, sa poblasyon itinatag ng mga Español ang luklukan ng kanilang pamamahala. (Nangangahulugang“bayan” o “populasyon” ang poblacion sa wikang Español.) Karaniwang nakasentro ang poblasyon sa plaza,…