Dangwa, Bado
Bado Dangwa (5 Mayo 1905–1976) Popular bílang pangunahing negosyante ng transportasyon sa Cordillera, ang pilantropo at politikong si Bádo Dángwa ay isinilang noong 5 Mayo 1905 sa Kapangan, Benguet. Nag-aral siyá sa Trinidad Agricultural School (Mountain Province Agricultural School ngayon) sa Benguet. Ngunit napakahilig sa pagkalikot ng makina at ginanyak pa siyá ng guro…