Topacio, Teodulo M. Jr.
Teodulo M. Topacio Jr. (30 Nobyembre 1924—) Kinikilála si Teodulo Topacio Jr. (Te·ó·du·ló To·pás·yo) sa kaniyang mahahalagang pananaliksik sa sakit na leptospirosis. Dahil sa kaniyang pag-aaral, nakumpirma ng mga dalubhasa ang pagkakaroon ng bakteryang leptospira sa Filipinas at kung paano ito naisasalin mula sa mga alagang hayop tungo sa mga tao. Dahil sa kaniyang pagsisikap…