Ramon Cabanos Barba
(31 Agosto 1939– )
Isang Filipinong imbentor at horticulturist si Ramon Cabanos Barba (Ra·món Ka·bá·nos Bár·ba) na pinarangalan bilang Pambansang Siyentista ng Filipinas noong 2014. Kinikilála ang ambag niya sa pagpa-parami ng bulaklak ng mga punong mangga sa pama- magitan ng ethrel at potas- sium nitrate.
Anak si Barba nina Juan Madamba Barba at Lourdes Cabanos. Isinilang siya 31 Agosto 1939 at lumaki sa San Nicolas, Ilocos Norte. Nagtapos siya ng mababàng paara- lan sa Sta. Rosa Academy at mataas na paaralan sa Unibersidad ng Pilipinas, bago siya nag-aral ng Agrikultura sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños. Natapos niya ang medyor niya sa Agronomiya at Produksiyon ng Prutas noong 1958. Natapos naman niya ang masterado sa Horticulture mula sa University of Georgia, bago niya tina- pos ang doktorado niya sa Pisyolohiyang Panghalaman sa University of Hawaii noong 1967.
Nauna na siyang pinarangalan ng Ten Outstanding Young Men para sa Agrikultura noong 1974, IBM/DOST Science and Technology Award (1989), ng Horticultural Technology Award noong 1999, at ng UPAA Lifetime Distinguished Award (2004). Noong 2004 din siya kinilála bílang akademiko ng National Academy of Science and Technology. (ECS)