Rotor, Arturo V.
Artúro V. Rotór (7 Hunyo 1907–9 Abril 1988) Isa sa pangunahing kuwentista sa Ingles si Artúro Rotór. Ngunit isa rin siyáng doktor, siyentista, at musikero. Kilala siyáng espesyalista ng mga allergy at isa sa mga nakatuklas sa isang sakít sa atay na pinangalanang Rotor Syndrome, kayâ siyá ang nag-iisang Filipinong nababanggit sa mga aklat pangmedisina.…