“Akó ang Daigdíg”

literature, poetry, Alejandro Abadilla

 

 

 

Maituturing ang tulang “Akó ang Daigdíg” bilang pinakatanyag na likha ni Alejandro G. Abadilla, na siyáng kinikilálang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog.” Una itong nalathala sa Liwayway noong 1940. Kabilang ito sa unang aklat ng mga tula ni Abadilla, ang Ako ang

 

Daigdig at Iba Pang Tula (1955). Isa ito sa laging-sinisipi at inilalathalang akda sa mga antolohiya ng tulang Filipi-no, tulad ng sa Sansiglong Mahigit ng Makabagong Tula sa Filipinas ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario.

 

Mahalaga ang tula sa kasaysayan ng panitikang Filipino. Masasabing kinakatawan nitó ang isang pangunahing hangarin ni Abadilla sa kaniyang mga akda, ang paghá-mon at pagsalungat sa de-kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula at ang labis na sentimentalismo sa panitikang Tagalog. Kayâ dapat asahan ang kontrobersiyang sumalu-bong sa pagkalathala nitó at nadagdag sa kontrobersiyal nang karera ni A.G. Abadilla bílang makata at kritiko. Ang mismong kasáma niyang pundador sa Kapisanang Panitikan, si Clodualdo del Mundo, ay dagling bumigkas ng isang panayam na hindi ito tula. Narito ang panimu-lang saknong ng tula:

 

ako

ang daigdig

 

ako

ang tula

 

ako

ang daigdig

 

ang tula

ako

 

ang daigdig

ng tula

 

ang tula

ng daigdig

 

Ang retorikong pag-uu-lit ng unang mga salita lámang ay isang maitu-turing na bagong paraan sa kasaysayan ng pagtu-la sa Filipinas. Ang diwa ng tula ay mistulang isang manipesto laban sa namamayaning kon-serbatismo sa panahong iyon na pinaghaharian ng mga tinatawag ni V.S. Almario na mga ”Balagtasista.” (PKJ)

Cite this article as: Akó ang Daigdíg. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/aklatang-bayan-2/