Batas
Batas Ang batás ay isang alituntuning itinakda ng mga mambabatas o isang nakaugaliang tuntunin na sinusunod ng isang lahi, lipunan, o bansa. Tinatawag itong balídha ng mga Hiligaynon. Sa Filipinas, may sangay ng pamahalaang tinatawag na Kongreso at siyáng may pangunahing tung-kuling lumikha ng mga batas. Mayroon ding mga ordenánsa na batas o regulasyong pampubliko…