Balintawák
Ang Balintawák ay isang makasaysayang pook na ngayon ay nása Lungsod Quezon. Dito (o sa kalapit na Pugadlawin) ginanap ang simula ng Himagsikang Filipino laban sa kol- onyalismong Español. Noong 1908 at simulan ang paggunita sa Himagsikang 1896, ipinag- diriwang ang ”Unang Sigaw” sa Balintawak ng mga beterano ng rebolusyon. Sa katunayan, dito itinayô ang bantayog para sa Unang Sigaw noong 1911. May ulat din na unang inisip na pangalanang Lung- sod Balintawak ang binubuong bagong kapitolyo ng Filipinas bago ito ipinangalan kay Pangulong Manuel L. Quezon.
Nagbago ito nang higit na sundin ang saliksik ng history- ador na si Teodoro A. Agoncillo na sa Pugadlawin at hindi sa Balintawak naganap ang pasiya ng mga Katipunero na maghimagsik. Ang malungkot pa, tinamaan ng ipina- tayông cloverleaf ang bantayog sa Balintawak kayâ inalis ito at inilipat sa harap ng Bulwagang Vinzons sa Unibersi- dad ng Pilipinas, Diliman. Mabuti’t isang bagong bantay- og ang ipinalit bagaman hindi nitó makuha ang katampa- tang paggalang na iniukol sa unang bantayog.
Ang ”balintawak” ay sinasabing mula sa tao na ”tawák” o may kapangyarihang magpaamò ng ahas. Naging pan- galan din ito ng isang popular na kasuotang pambabae noong ika-20 siglo. Isa ito sa mga munting bayan, kasáma ang San Francisco del Monte at Novaliches, na ipinaloob sa binuong Lungsod Quezon. May cloverleaf dito na du- long timog ng North Expressway at krus-na-daan ng EDSA. Isa din itong himpilan ng LRT. (PKJ)